^

Punto Mo

‘Right timing’ sa pag-inom ng tubig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG pag-inom ng tubig ay hindi lamang tungkol sa rami, kundi pati na rin sa tama at napapanahong pag-inom nito. Bagama’t simpleng gawain ito sa pang-araw-araw, malaki ang nagagawa ng wastong timing upang mapanatili ang maayos na daloy ng dugo, magandang digestion, at sapat na hydration.

Sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig sa tamang oras, natutulungan nating maging mas balanse at masigla ang ating katawan. Narito ang ilang gabay kung kailan pinakamainam uminom ng tubig para sa mas mabuting kalusugan.

  • 2 basong maligamgam na tubig pagkagising sa umaga – Nagre-rehydrate ng iyong katawan; para maging regular ang pagdumi at maging maayos ang pagtunaw ng pagkain at pagsunog ng calories.
  • 1 basong tubig pagkatapos maligo – Upang mapanatili ang tamang init ng katawan at gumanda ang daloy ng dugo sa mga ugat.
  • 2 basong tubig  30 minuto bago kumain (almusal/tanghalian/hapunan) – Maiwasang lumaki ang kain, maging maayos ang trabaho ng digestive system.
  •  Kalahating baso bago matulog – Manatiling hydrated ang katawan at maiwasan ang nightime cramps.
  • 1 basong tubig bago maligo – Manatiling maayos ang blood pressure at maiwasan ang pagkahilo.
  • 1 baso bago mag-exercise – Para sa maayos na sirkulasyon ng dugo, makaiwas sa dehydration.

Araw-araw na pag-inom ng tubig tuwing mauuhaw.

Sa kabuuan, malinaw na may malaking epekto ang right timing ng pag-inom ng tubig sa pangkalahatang kalusugan ng katawan. Sa simpleng pagsunod sa mga rutinang ito, mas nagiging balanse, masigla, at malusog ang takbo ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

 

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with