^

Punto Mo

Ang malupit na company policy

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Thomas Lopez ay nagtatrabaho bilang lifeguard sa Hallandale Beach, Florida, U.S. Kasalukuyan siyang naka-duty noon nang lapitan siya ng isang tao at sinasabing may nalulunod na tao doon sa bandang dulo ng beach. Ang ­unang reaksiyon ni Thomas ay tumakbo patungo sa itinurong direksiyon.

Nilangoy niya ang kinaroroonan ng lalaking nalulunod. Sa tulong ng maraming beachgoers, nasagip nila ang lalaki sa tiyak na pagkalunod. Siya ang nagsagawa ng CPR at tumawag ng paramedics.

Gumawa si Thomas ng incident report at ibinigay niya iyon sa management ng beach resort. Sa halip na ideklara siya na isang bayani, anong gulat niya nang kinabukasan ay idineklarang tanggal na siya sa trabaho. Ang dahilan: Ang lalaking iniligtas niya ay lumangoy sa area na hindi sakop ng beach resort. Therefore, ang lalaki ay hindi kasama sa mga taong dapat iligtas ng lifeguards.

May malaking babala na mababasa sa lugar na kinalunuran ng lalaki: This is not a safe area. Swim at your own risk. Base sa company policy, ang sinumang malunod sa labas ng designated area ng resort ay hindi responsibilidad ng lifeguards na empleyado ng kompanya. Hayaan na lang nilang iligtas ang kanilang mga sarili. Sila ang matitigas ang ulo, kaya bahala sila sa kanilang buhay.

Marami sa kanyang mga kasamahan ang tumutol at nagreklamo sa hindi makataong policy ng kompanya at unfair punishment kay Thomas. Ang ending, tinanggal din ang mga lifeguards na kumampi kay Thomas.

“People don’t always get what they deserve in this world.” – Lemony Snicket, The Blank Book

POLICY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with