‘Kabayo’ (Part 5)
NANG makalampas kasi sa hanay ng mga malalaking balete ay saka lamang nawala ang pagtindig ng taynga ni Blackie. Naging normal na ang kanyang kilos hanggang makarating kami sa bahay.
Alalang-alala si Lola Nita samantalang relaks lang si Lolo Pedro.
“Saan ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap para mag-almusal.”
“Namasyal lang Lola kasama si Blackie.”
“Mabuti at hindi kayo naligaw?”
“Hindi naman Lola. Kabisado ko naman ang daan—ilang beses na akong nakarating sa taniman ni Lolo.”
Sumabat si Lolo.
“Oo nga naman. Kabisado na niya ang daan. Hindi ka dapat mangamba sa apo mo at lalaki ‘yan—matapang at matalino yan.”
“Mabuti na rin ang nag-iingat,” sabi ni Lola.
“Ang pinagtataka ko lang, parang natakot si Blackie nang dumaan kami sa mga punong balete.”
Nanlaki ang mga mata ni Lolo.
(Itutuloy)
- Latest















