^

Punto Mo

Hindi lahat nang malutong, ligtas

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ALAM ‘nyo hindi lang basta isyu ng lechon ‘to. Isyu ito ng kaligtasan at kabuhayan.

Kamakailan, pinasara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang 14 na tindahan ng lechon sa La Loma matapos lumabas na may ASF (African Swine Fever) ang ilang karneng baboy na nainspeksyon. Naku ha, lagot!

Marami ang nagulat, marami ring nagreklamo. Pero bago tayo magalit, tanungin muna natin ang sarili gusto ba nating magsalu-salo sa karne na hindi sigurado kung ligtas?

Kasi tandaan natin, mga suki, kapag may tama ang baboy, hindi lang lechon ang posibleng delikado. Kasama riyan ang chicharon, bulaklak, bituka, barbecue, bopis, dinuguan, at lahat ng parte ng baboy na dumadaan sa parehong linya.

Bago pa mailitson, dumaraan ‘yan sa katayan, sa mga tindahan, sa mga supplier kaya kung saan man nagsimula ang problema, dapat lahat ng konektado, imbestigahan.

Hindi ito para manira ng negosyo. Ang totoo, pansamantalang sakit lang ‘to para sa pangmatagalang ginhawa.

Kasi kung pababayaan, baka tuluyang mamatay ang tiwala ng mamimili at ‘pag nawala ‘yon, kahit gaano ka crispy ang balat, hindi na mababawi ang tiwala ng tao.

Para sa mga nagtitinda at mga empleyado, walang gustong mawalan ng hanapbuhay. Pero kung kaligtasan ng mamamayan ang nakataya, mas mabuting maglinis at sumunod sa patakaran kaysa ipilit ang delikadong karne.

Kung maayos at ligtas ang proseso, babalik din ang negosyo. Ang lechon ay simbolo ng kasiyahan ng madlang Pinoy pero hindi ito dapat maging dahilan ng panganib o pagkakasakit.

Kaya dapat suportahan, hindi kontrahin, ang hakbang na linisin at siguruhin ang kalidad ng karne sa La Loma. Ang tunay na malasakit, minsan, mahigpit pero makatarungan.

Disklaymer: Ang artikulong ito ay opinyon ng manunulat na layuning magbigay-linaw at kamalayan sa publiko ukol sa isyu ng kaligtasan ng pagkain at tamang pamamahala ng industriya ng lechon. Walang layuning manira o magparatang sa sinumang indibidwal o negosyo.

AFRICAN SWINE FEVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with