^

Punto Mo

Dumilim ang ilaw ng Christmas Tree

DIKLAP - Annabelle O Buenviaje - Pang-masa

DISYEMBRE 1, sa bayan ng San Roque, araw ng Christmas Lighting Ceremony. Nakatayo ang malaking Christmas tree sa plaza, at puno ng tao ang paligid. Ang lider ng programa ay ang mayor na si Rufino Alcaraz, kilalang maangas lalo na kapag may kamera. Sa script, aakyat siya sa stage, pipindutin ang switch, at sasabihin:
“Magsimula na ang Pasko sa San Roque!”

Pero nagbago ang ihip ng hangin nang mapansin niya ang isang street vendor na matanda, si Mang Selo, nakaupo sa gilid ng entablado. Pagod, pawisan, at halatang kumukulo ang sikmura. Napakunot ang noo ng mayor. “Ang pangit naman nito sa litrato,” bulong niya sa staff.

Pag-akyat niya sa stage, hawak ang microphone at ang maliit na luses na gagamitin para sa dramatic effect ng pag-ilaw. Ngunit imbes na humarap sa crowd, lumapit siya sa matanda. Nakangising aso ito na nagsalita.

“Gusto mo rin ba ng ilaw, Lolo? Eto oh!”

At iwinagayway niya ang luses na may sindi sa mukha ni Mang Selo, halos tamaan ang ilong ng matanda ng mga tumalsik na usok at sindi. Nagulat si Mang Selo, napahawak sa mukha.
Natahimik ang buong plaza.

“Bakit mo ‘ko ginanun? Tao ako!” nanginginig na sabi ng matanda.
May bata pang sumigaw: “Mama, bakit sinaktan ni mayor si Lolo?”

Nag-iba ang ekspresyon ng mga tao—mula saya tungong galit.

Agad namang nagkunwaring nagbawi ang mayor. “Ay, joke lang ho! Eto, pang-Christmas mo!”
At inabot kay Mang Selo ang isang limang-daang piso.

Pero tinulak pabalik ng matanda ang pera.

“Mayor, mahirap lang ako pero may dignidad ako. Hindi mo kayang bayaran ang panghihiya na ginawa mo.” May sumigaw mula sa crowd:

“Wala kang respeto!”

“Hambog! Mag-resign ka, mayor!”

Hindi alam ni Mayor Rufino na may photographer palang nakakuha ng sunud-sunod na litrato ng insidente — mula sa pagngisi niya, sa paglapit ng luses sa mukha ni Mang Selo, hanggang sa pag-iyak ng matanda. Kinabukasan, kumalat ang mga larawan sa social media at lokal na diyaryo. Galit ang buong bayan. Nagsampa ng reklamo ang mga civic group. Hindi na natuloy ang pagsindi ng Christmas light. Napilitan si Mayor Rufino na magbitiw sa puwesto.

CHRISTMAS TREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with