^

Punto Mo

‘Hindi akomagpapakasal’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SEVENTEEN years old siya noon, at ayon sa batas, dapat niyang pakasalan ang lalaking nanggahasa sa kanya o kung ayaw niya, mabubuhay siya sa kahihiyan. Magkaganoon pa man, tumanggi siya.

Noong 1965, si Franca Viola mula sa Sicily, Italy ay gumawa ng desisyon na nagpabago sa kasaysayan ng Italya. Nagsimula ang lahat nang tinapos niya ang relasyon kay Filippo Melodia, lalaking konektado sa mafia. Noong Disyembre 26, 1965, sinalakay ni Melodia ang bahay ng dalaga, binugbog ang ina nito, at dinukot siya.

Walong araw siyang ikinulong, ginahasa, tinakot, at pinilit magpakasal sa nang-abuso sa kanya. Sa Italya noon, may batas na tinatawag na “matrimonio riparatore.” Maaaring makaligtas sa parusa ang rapist kung pakakasalan niya ang biktima, at para na rin “maibalik” ang dangal ng babae.

Pagkalaya ni Franca, inaasahang tatanggapin niya ang kasal. Ngunit nagmatigas ang dalaga at inayawan niya ang kasal at sa halip ay nagsampa siya ng kaso. Iba ang mindset noon ng mga ­Italyano, itinakwil ng lipunan ang pamilya ni Franca, sinunog ang kanilang bukirin, at tinawag silang kahiya-hiya. Ngunit hindi umatras si Franca. Naging pambansang balita ang paglilitis. Nahati ang bansa—ang ilan ay humanga sa kanyang tapang, ang iba nama’y kinondena ang dalaga.

Noong 1966, nahatulan si Melodia ng 11 taon sa kulungan. Si Franca ang unang babaeng Italyana na tumanggi sa “rehabilitating marriage” at nagtagumpay laban sa kanyang rapist. Noong 1968, pinakasalan niya ang kababata niyang si Giuseppe Ruisi, na minahal siya nang buong puso. Ang kanilang kasal ay naging simbolo na ang mga biktima ng karahasan ay karapat-dapat sa pag-ibig at respeto. Pagkaraan ng 15 taon, noong 1981, tuluyang binura ng Italya ang batas na iyon. Hindi na maaaring makaligtas ang mga rapist sa pamamagitan ng kasal.

MELODIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with