Video game enthusiast sa Hungary, 6 na araw naglaro ng Dance Dance Revolution!
ISANG 34-anyos na gamer sa Hungary ang opisyal na nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos maglaro ng sikat na rhythm game na Dance Dance Revolution (DDR) sa loob ng 144 hours!
Ang gamer na si Szabolcs Csépe, na kilala rin sa nickname na “GrassHopper”, ay sabay na nakuha ang dalawang titulo: ang “longest video game marathon” at ang “longest video game marathon on a rhythm game”.
Ang kanyang 144-oras na paglalaro ay matagumpay na nakatalo sa previous record na 138 hours and 34 seconds. Ang naturang record ay naitala noong 2015 ng Amerikanang si Carrie Swidecki, na naglaro naman ng game na ‘Just Dance’.
Ayon kay Csépe, matagal na siyang inspirasyon ang nagawa ni Swidecki. “Mula nang malaman ko ang nagawa ni Carrie Swidecki... madalas kong isipin kung paano niya nagawa iyon,” pahayag ni Csépe sa Guinness World Records. “Matagal na akong naghahanda... para maging pinakabagong world record holder sa titulong ito.
- Latest



















