‘Manika’ (Part 2)
NOON ko lamang nakita ang aking Ninang Nerry dahil matagal siya bago nakapagbakasyon mula United States. Magkaibigan ang mama ko at si Ninang Nerry kaya ito ang kinuhang ninang ko sa binyag. Sabi ni Mama, mula pa raw elementarya hanggang high school ay magkaklase na sila at magkaibigan.
“Napakaganda ng aking inaanak,’’ sabi ni Ninang Nerry sa akin. “Eto ibinili kita ng walking doll. Tiyak na magugustuhan mo ito,” sabay abot sa akin nang malaking box.
“Buksan mo na, Marie” sabi ni Ninang.
“Mamaya na po Ninang.”
“Ah sige. Pag-alis ko saka mo na lamang buksan. Ingatan mo yan ha?”
“Opo.”
Bukod sa manika, binigyan pa ako ni Ninang ng $100. Talagang napakabait ni Ninang Nerry.
Makaraan ang ilang oras na pagkukuwentuhan nina Mama at Ninang Nerry ay nagpaalam na ito.
“Aalis na ako Marie. Buksan mo na ang box para makita mo ang magandang manika.”
“Opo Ninang. Salamat po.”
Nang umalis si Ninang ay hindi ko binuksan ang box.
Nagtaka si Mama.
“Bakit ayaw mong buksan ang box?”
Hindi ako nagsalita. (Itutuloy)
- Latest


















