Manika (Part 1)
HINDI ako mahilig sa manika. Kahit noong bata pa ako, hindi ko pinangarap na magkaroon ng laruang manika. Kung ang mga kalaro kong batang babae ay gustung-gusto ng manika, ako ay hindi. Hindi rin ako naiinggit sa kanila kahit nagpapayabangan sila sa mga laruan nilang manika na regalo raw ng kanilang ninong at ninang.
“Ikaw Marie, mayroon ka bang manika?’’ tanong sa akin ng kalaro kong si Susie.
“Wala akong manika. Ayaw ko ng manika.”
“Bakit?”
“Basta ayoko.”
Nagtinginan ang iba ko pang kalaro na sina Girlie at Teri.
Marahil ay nagtataka sila kung bakit ayaw ko ng laruang manika.
Maski ang nanay at tatay ko ay nagtataka kung bakit ganun na lamang ang pag-ayaw ko sa manika.
Baka naisip nila na tomboy ako kaya ayoko ng manika.
Pero 100 percent na babae ako.
Minsan, dumating ang ninang ko mula U.S. at may pasalubong sa akin na manika.
(Itutuloy)
- Latest




















