‘Sementeryo’ (Part 5)
HABANG nakaupo ako malapit sa malaking apoy na aking ginawa, pumikit ako at nag-concentrate. Inisip kong makakalabas ako sa lugar na ito at hindi na gagambalain ng nilalang na nagsagawa ng “bulong”.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag-concetrate sa harap nang malaking apoy.
Nang magmulat, nasilaw ako sa matinding sikat ng araw. Napansin ko na ubos na ang apoy na ginawa ko. Pawang abo na lamang ang naroon.
At ang labis na nakapagtataka, wala ako sa loob ng simenteryo kundi nasa makalampas lamang ng gate niyon. Sa pagkakatanda ko, nang makalampas kami ng mga pinsan ko sa gate kahapon, nakaramdam ako ng pagkalito. Hindi ko na ma-recall ang pinanggalingan. Lakad ako nang lakad kahapon. Hanggang sa ipasya ko na ngang gumawa nang malaking apoy batay sa sinabi ng aking ama.
Makalipas ang ilang minuto, nakita kong paparating ang aking mga pinsan. Tuwang-tuwa sila nang makita ako.
(Itutuloy)
- Latest



















