‘Sementeryo’ (Part 2)
LUMULUBOG na ang araw nang matapos kaming magpipinsan na maglinis sa mga puntod ng aming mahal sa buhay. Pagod na pagod kami dahil bukod sa pagtatabas ng damo ay nagpintura pa kami sa mga nitso. Matindi ang sikat ng araw na iyon, ilang araw bago ang Undas.
Masaya kaming naglalakad palabas ng sementeryo. Nagtatawanan ang iba kong pinsan?ga pito kami.
Nang makalabas na kami sa gate ng municipal cemetery, nagtaka ako sapagkat nag-iisa na akong naglalakad sa kalsada na ang magkabilang gilid ay may matataas na kahoy at damo.
Nasaan na ang mga pinsan ko? Naiwan yata ako?
Pero ang pagkakatanda ko, nasa gitna ako ng mga pinsan ko at sabay-sabay kaming naglalakad. Paanong naiwan ako sa paglalakad?
Gayunman, nagpatuloy ako sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad. Bakasakali na maabutan ko pa ang aking mga pinsan.
Pero wala akong naabutan. Wala rin akong natanaw na naglalakad.
Sumigaw na ako. Tinawag ko ang pangalan ng aking mga pinsan. Pero pakiramdam ko, walang nakaririnig ng aking sigaw.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang matagpuan ko ang sarili na nasa loob ng sementeryo. Madilim na. Naaninag ko ang mga nitso. (Itutuloy)
- Latest
















