‘Sandok’ (Part 12)
MAKALIPAS ang isang linggo, nagbalik si Willy sa karinderya—pasado alas nuwebe ng gabi. Nagkataon na ng araw na iyon ay maaga kaming nagsara dahil nag-iisa si Thelma na katulong ko. Nagpaalam ang iba kong tauhan na magde-day-off.
Nagulat ako nang dumating si Willy at isinasara ko na ang main entrance ng karinderya.
“O kung kailan ako dumating saka ka naman magsasara, Marie.”
“Hanggang 9:00 p.m. lang kami Willy—wala ang mga tauhan ko.”
“Di ba sabi mo bumalik ako after one week—narito na ako.”
“E magsasara na nga kami, Willy. Bukas ka na lang bumalik.”
“Hindi ba puwede ngayon, Marie?”
“Magsasara na nga kami.”
“Sige na. Nangako ka sa akin,’’ sabing nagmamakaawa ni Willy.
Lumambot ang puso ko.
Pinapasok ko siya.
“Sandali lang ako Marie.”
Pinaupo ko siya.
Naupo rin ako.
“Marie, mahal mo rin ba ako?”
“Ha? A e,”
“Alam ko mahal mo rin ako.”
Hindi ako makapagsalita.
Hinawakan ni Willy ang palad ko. At saka akma akong hahalikan.
(Itutuloy)
- Latest




















