Diskarteng Pinoy: Simpleng life hacks para sa araw-araw
October 3, 2025 | 12:00am
- Banana peel pang-pakinis ng sapatos - gamitin ang loob ng balat ng saging (puti) para kuminang ang leather shoes.
- Asin laban sa langgam - budburan ng asin ang daraanan ng langgam.
- Tawas o baking soda - natural na deodorant at pampapresko sa kilikili.
- Lagyan ng newspaper ang refrigerator - para sumipsip ng amoy at hindi mangamoy ang loob.
- I-unplug ang appliances - kahit nakapatay, kumokonsumo pa rin ng kuryente kung nakasaksak.
- Gamitin ang natural na ilaw - buksan ang bintana at kurtina sa umaga para tipid-kuryente.
- Itlog test - ilubog sa tubig; kung lumulubog sariwa pa, kung lumulutang luma na.
- Banana leaves food wrapper - imbes na plastic, gumamit ng dahon ng saging na mas eco-friendly.
- Kaldero na tutong-free - lagyan ng dahon ng saging ang ilalim bago magsaing para iwas tutong at dagdag aroma.
- Lagyan ng coins ang sapatos - kapag laging sumasakay ng jeep, puwede kang magbaon ng barya para laging may pamasahe.
- Plastic bag sa bulsa - laging handa kung umulan at walang payong.
- Magdala ng empty water bottle - puwede mong refill-an sa mga libreng water station kaysa bumili ng mahal na bottled water.
- Luya para sa sipon at ubo - pakuluan at gawing salabat.
- Toothpaste sa kagat ng lamok - para bawas kati.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended


















