‘Sandok’ (Part 9)
KINABUKASAN, nasa karinderya na naman si Willy. Nilapitan agad ako at nag-good morning. Hindi pa raw siya nag-aalmusal dahil naging busy sa ipinagagawang resthouse. Isa pa raw, gusto talaga niyang dito sa karinderya ko mag-almusal.
“Alam mo Marie, napakaganda mo,” sabi ni Willy na nakapagpagulat sa akin.
“Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko.”
“Ikaw naman, basta maganda madali akong nakagagawa ng paraan para malaman ang pangalan.”
“Kanino mo nga nalaman?” sabi kong nakangiti.
“Sa mga customer ng karinderya mo. Sikat na sikat yata ang karinderya mo dahil sa sarap ng luto. Bukod pa raw na napakaganda pa ng may-ari.”
“Ikaw naman sobrang magbiro.”
“Talaga naman. Ano nga pala ang sekreto ng masarap mong luto, Marie?”
“Dahil sa native sandok.”
“Talaga?”
“Oo. Ang mga sandok na ginagamit ko ay ginawa pa ng father ko.”
“Nagpapasarap sa pagkain ang paggamit ng sandok?”
“Oo—ayaw mong maniwala?”
“Sige nga ikaw ang maghain ng order ko para matesting ang sarap.”
Kinilig ako.
Ako ang naghanda ng kanyang order na pagkain. (Itutuloy)
- Latest
















