^

Punto Mo

Puwede bang ­gamiting basehan ang mga ­nakaraang paglabag?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Lagi akong late dumadating sa trabaho pero hindi naman ako pinapatawan ng HR ng sanction. Kamakailan, ipinatawag ako at sinabihang maaari na akong i-terminate dahil sa habitual tardiness. Tama ba na gawing dahilan ang mga nakaraan kong tardiness kahit hindi naman ako naparusahan noon? — Jane

Dear Jane,

Oo, maaari ka pa ring parusahan ngayon, basta’t dokumentado ang iyong tardiness at dumaan sa tamang proseso ang pagpapataw ng sanctions sa iyo, kung ikaw man ay maparurusahan. Ang hindi pagpapataw ng sanction ng kompanya noon ay hindi awtomatikong nangangahulugang napatawad ka na o hindi ka na puwedeng parusahan para sa mga violation na iyon.

Ayon sa Korte Suprema sa kasong R.B. Press v. Galit (G.R. No. 153510, 13 February 2008), ang hindi kaagad pagpapataw ng sanction o parusa sa empleyado para sa mga nakaraang paglabag ay hindi nangangahulugan ng condonation o pagpapatawad at hindi rin ito waiver ng karapatan ng kompanya na ipatupad ang mga patakaran nito.

Ayon sa Korte:

“The mere fact that the numerous infractions of respondent have not been immediately subjected to sanctions cannot be interpreted as condonation of the offenses or waiver of the company to enforce company rules. A waiver is a voluntary and intentional relinquishment or abandonment of a known legal right… a waiver to be valid must be couched in clear and unequivocal terms.”

Ibig sabihin, para masabing may waiver o pinatawad na ng employer ang naging violation ng empleyado, dapat ay may malinaw at tiyak na pahayag ang kompanya ukol sa hindi nito pagpapataw ng parusa. Kung walang ganoong malinaw na pahayag, nananatiling may karapatan ang employer na parusahan ang empleyado kung mapatunayan mang may mga naging paglabag nga ang huli.

Kaya kung ilalaban mo ang iyong argumento na hindi ka dapat parusahan ngayon dahil hindi ka naman pinarusahan dati, tungkulin mo na patunayan na may ginawang condonation o waiver ang kompanya dahil hindi sapat ang simpleng pagsasabi na hindi ka naman naparusahan noon. Kung walang malinaw na waiver katulad ng sulat mula sa kompanya na nagpapatawad o nag-aabiso na hindi na siya pananagutin, maaring gamitin ng employer ang mga nakaraang paglabag bilang basehan para sa kasalukuyang disciplinary action.

HR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with