Senyales na mentally strong ka na
1. Bigla ka na lang nang-iiwan ng toxic people nang walang babala. Magnanakaw sila ng iyong saya at katahimikan kaya dapat lang na itapon sa basurahan.
2. Nagpapatawad ka pero hindi mo hinahayaang pumasok sila muli sa iyong buhay.
3. Iniiwasan mong mag-post ang lahat ng galaw mo. Hindi ka naman artista na may mga fans na dapat balitaan ng mga pangyayari sa iyong buhay. Kapag wala silang alam tungkol sa iyo, wala silang maibabala para siraan ka.
4. Komportable ka na paminsan-minsang mamasyal nang walang kasama.
5. Tumatanggi ka na walang nararamdamang guilt.
6. Kapag may argument o hindi pagkakaunawaan, imbes na makipagtalo para lang mapatunayan na tama ka, mas pipiliin mong manahimik o umiwas para hindi lumaki ang gulo.
7. Sa relasyon, handa kang magbago ng ugali para sa ikabubuti ng samahan, pero hindi mo pinapabayaan na mawala ang iyong sariling identity.
8. Mas kalmado at kontrolado ka na sa pagharap sa problema o issue. Hindi ka na agad-agad nagiging sobrang emosyonal o OA (over acting) sa mga sitwasyon.
9. Pinipili mong hindi i-expose sa publiko ang lahat ng pinagdadaanan mo, kundi hayaan na gumaling ka nang hindi naaapektuhan ng opinyon ng iba. Tanda ito ng self-respect at boundary.
10. Hindi ka natitinag o nawawala sa focus dahil lang sa kritisismo ng ibang tao.
- Latest















