Mga katotohanan tungkol sa buhay at pagkatao
• May mga taong kaya nagpapatawad ay upang palayain ang kanyang sarili sa sakit ng ginawa sa kanya at hindi para kalimutan ang kasalanang ginawa sa kanya.
• Kung sobrang napapadalas ang panonood ng TV, asahan mong may nadadamang kalungkutan ang taong iyon.
• Ang taong nahihirapang matandaan ang pangalan ng isang tao o salita ay may tinatawag na anomic aphasia.
• Mahal mo talaga ang isang tao kung masaya ka pa rin para sa kanya kahit iba ang pinili niyang makapiling.
• Ang matatalinong tao ay walang pakialam kung anuman ang opinyon ng ibang tao tungkol sa kanila. Kaya kadalasan ay mas enjoy sila na nag-iisa.
• Mga 17 months at 26 days ang kailangan para makalimutan ng isang tao ang kanyang ex.
• Marami sa mga tao ang may tinatawag na “above-average effect”. Ino-over estimate nila ang kanilang abilidad at iniisip nila lagi na mas magaling sila kaysa ibang tao, maliban lang kung sila ay depress.
• Huwag sisihin ang ibang tao kapag nabigo ka. Walang dapat sisihin kundi ikaw na sobra ang expectation sa sarili.
• Nakatutulong ang pagpikit ng mata para maalaala ang isang bagay.
• Ang taong ayaw humingi ng tulong sa iba ay nakaranas ng maraming kabiguan sa buhay noong bata pa sila.
- Latest


















