^

Punto Mo

Ang aral tungkol sa pamumuno

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA gitna ng malawak na kagubatan, may isang maunlad na pamayanan ng mga hayop. Pinamumunuan sila ni Don Leon, isang matapang at makapangyarihang leon na nahalal bilang presidente ng mga hayop.

Sa una, maayos at tahimik ang kanilang komunidad. Ang mga ibon ay kumakanta tuwing umaga, ang mga kuneho ay nagtatanim ng gulay, at ang mga usa ay nagbabantay sa malalawak na damuhan. Lahat ay nagtutulungan para maging maganda ang kanilang buhay.

Ngunit unti-unting nagbago ang lahat. Napansin ng mga hayop na tila mas pinapaboran ni Don Leon ang ilang piling nilalang. Lagi niyang pinupuri ang mga agila dahil magaling sa pagbantay ang mga ito mula sa itaas. Madalas binibigyan ng mas maraming pagkain ang mga agila. Samantalang ang mga maliliit na hayop gaya ng mga kuneho at pagong ay madalas nakakaligtaan.

“Bakit sila lagi ang napapansin?” reklamo ng kuneho. “Kami rin naman ay may ambag dito!”

Sumang-ayon ang pagong: “Kung wala ang mga taniman namin, wala rin silang makakain!”

Lumaki nang lumaki ang inggit. Ang mga hayop ay nagsimulang mag-away. Ang mga agila ay nagyayabang, habang ang mga pagong at kuneho ay nagtatampo. Nawalan ng pagkakaisa ang pamayanan.

Isang gabi, nagpulong ang lahat ng hayop sa gitna ng kagubatan. Nagsalita ang matandang kuwago na kilala sa kanyang karunungan:

“Mga kaibigan, hindi natin maaayos ang ating komunidad kung puro inggitan at favoritism ang nangingibabaw. Ang tunay na lider ay patas. At ang tunay na komunidad ay nagkakaisa. Dapat nating ipaalala kay Don Leon na walang maliit o malaking ambag, lahat ay mahalaga.”

Nag-isip si Don Leon matapos ibalita ng matandang kuwago ang kanilang pinagpulungan. Saka lang niya nakita kung gaano na kagulo ang kanilang mundo dahil sa kanyang pagkiling sa iilan.

Humingi siya ng tawad at nangakong magiging patas na sa lahat ng hayop. Muling nagbalik ang kaayusan. Natutunan ng mga hayop na kahit iba-iba sila ng lakas at kakayahan, pantay-pantay pa rin ang kanilang halaga sa komunidad.

PAMAYANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with