^

Punto Mo

‘Singsing’ (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HANGGANG malaman na lamang namin ni Cora na magkahawak-kamay na kami habang naglalakad sa kanyang munting hardin na punumpuno ng mga halamang namumulaklak.

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahang nadama ng oras na iyon. At dama ko, pati si Cora ay ganundin ang nararamdaman.

“Dapat ko pa bang sabihin ang laman ng dibdib ko, Cora?”

“Ikaw kung gusto mong sabihin. Puwede ring hindi na.”

“Mas maganda kung sasabihin ko, Cora.”

“Sige, sabihin mo na, Ram.”

“Mahal kita, Cora.”

“Mahal din kita Ram.”

“Salamat at mahal mo rin ako. Aalagaan ko ang iniukol mong pagmamahal sa akin. Hindi ko sisirain ang pagtitiwala mo.”

“Salamat, Ram.”

Pinisil ko ang palad ni Cora.

Ginantihan iyon ni Cora ng katulad na pisil.

“Halika na sa loob. Ipagtitimpla kita ng mainit na kape,” sabi ni Cora at pumasok kami sa bahay.

Ilang araw ang lumipas, binigyan ko si Cora ng singsing. Tuwang-tuwa siya na isinuot ang singsing. Kasyang-kasya! Parang isinukat.

SINGSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with