^

Punto Mo

Lalaki, nakapagtala ng world record matapos magbalanse ng 511 kopita sa ulo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 64-anyos na lalaki mula sa Cyprus ang muling nagpamalas ng kanyang pambihirang galing sa pagbabalanse matapos niyang higitan ang sariling world record para sa titulong “most wine glasses balanced on the head”.

Matagumpay na naipantay ni Aristotelis Valaoritis ang 511 baso ng alak o kopita sa kanyang ulo, na may kabuuang bigat na mahigit 63 kilos. Ang kanyang record attempt ay ginawa noong July 25.

Si Aristotelis ay isang propesyonal na “glass dancer” mula pa noong 1995. Ang glass dancing ay isang natatanging tradisyon sa Cyprus kung saan ang isang mananayaw ay nagbabalanse ng mga kopita sa ulo habang sumasayaw.

Para sa kanyang record attempt, inayos ang mga kopita sa walong magkakapatong na plywood at dahan-dahang inilagay sa tuktok ng kanyang ulo gamit ang isang forklift.

Nang mailagay na ang mga kopita, kinailangan ni Aristotelis na balansehin ito sa kanyang ulo nang hindi ginagamit ang kanyang mga kamay sa loob ng 15 seconds. Matagumpay niya itong nagawa nang hindi nakabasag ng kahit isang kopita.

“Gusto kong ipakita na mayroon pa rin akong kakayahan at pagmamahal sa aking ginagawa,” sabi ni Aristotelis. “Sa pamamagitan ng dedikasyon at pagsasanay, nagawa ko ang aking layunin... At higit sa lahat, ipinagmamalaki kong ipakita ang tradisyong ito.”

Ang previous record, na siya rin ang may hawak, ay 319 na kopita lamang. Ang kanyang bagong tagumpay ay isang patunay sa kanyang pambihirang talento at dedikasyon sa isang natatanging kultura.

 

PUNTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with