Singsing( Part 21)
“BUKAS babalik ako,’’ sabi ko kay Cora.
“Sige. Hihintayin kita, Ram.”
“Aalis na ako, Cora. Siyanga pala, baka malimutan mong ipagtimpla ako ng kape, ha-ha-ha! Joke lang.”
“Ipaghahanda kita, Ram.”
“Salamat, alis na ako.”
Umalis ako.
Pakiramdam ko naglalakad ako sa ulap. Masayang-masaya ako. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nadama. Kakaiba kasiyahan na noon ko lamang nadama sa buong buhay ko.
Kinagabihan, hindi na naman agad ako nakatulog. Si Cora ang iniisip ko.
Umiibig ako kay Cora—tiyak ko ang aking damdamin. Hindi ako maaring magkamali.
Pero karapat-dapat kaya ako kay Cora? Baka isipin ni Cora na sinasamantala ko ang pagkakataon na may sugat pa siyang pinahihilom na nilikha ng dating boyfriend.
Hindi kaya masamain ni Cora ang gagawin kong pagtatapat? Baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko.
Matagal bago ako nakatulog—inisip ko kung itutuloy ang pagtatapat kay Cora.
Kinabukasan, nagpasya ako na ipagtapat kay Cora ang aking damadamin. (Itutuloy)
- Latest




















