‘Singsing’ (Part 8)
HABANG hinihintay ko si Cora na nagtitimpla ng kape ay malalim akong nag-iisip. Bakit nung una ay sinabi niya na sa akin na raw ang singsing. At pagkatapos ay pinigil ako nang aalis na. At sinabing baka may maipapayo ako. Ano kaya yun?
Nasa ganun siyang pag-iisip nang lumapit si Cora dala ang tasa na may mainit na kape.
“Magkape ka muna. Ano nga pala name mo?”
“Ram.”
Naupo sa katapat na sopa si Cora.
Humigop ako ng kape. Masarap ang kape—brewed.
“Kaya ko sinabing sa’yo na ang singsing ay dahil wala na akong interes dun, Ram.”
“Bakit naman? Mahal yun?”
“Ayaw ko na. Katunayan, tinapon ko yun sa kanal!”
Shock ako.
(Itutuloy)
- Latest



















