^

Punto Mo

Singsing (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TEKA, Miss Cora, nagpunta ako rito para ibigay ang napulot na bagay. Hindi ko ito matatanggap dahil hindi naman sa akin ito. Kahit ibigay mo sa akin e ayaw ko. Nagmagandang loob lang akong dalhin ito dahil alam kong mahal ito. Palagay ko Saudi gold ito. Pasensiya ka na Miss Cora pero hindi ko matatanggap. Magpapaalam na ako,’’ sabi ko pagkaraang ibigay ang plastic case na may singsing kay Cora.

Umalis na ako.

Pero hindi pa ako nakakalayo ay tinawag ako ni Cora.

“Sandali, Mister.”

Tumigil ako.

“Bakit?”

“Sorry. Baka maari mo akong pakinggan kung bakit ipinagpipilitan kong sa iyo na ang singsing. Puwede?”

Sure,’’ sabi ko at bumalik patungo sa gate.

“Halika muna. Ipaliliwanag ko sa iyo ang lahat. Baka sakaling may maipayo ka sa akin.”

“Hindi yata ako marunong magpayo, Cora.”

“Basta pakinggan mo ako.”

“Okey.”

Sumunod ako kay Cora sa pagpasok sa bahay nito. Maganda ang bahay niya. Halatang bagong gawa. Bagong pintura ang sala. Maraming kasangkapan.

“Maupo ka. Anong gusto mong drinks—coffee, softdrink o water?”

“Coffee please.”

“Sandali at magtitimpla ako.”

Tumayo si Cora at nagtungo sa kusina. (Itutuloy)

SINGSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with