^

Punto Mo

Tanong sa ­pagnonotaryo ng mga dokumento

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan po bang nakapirma na ang lahat ng partido bago magpa-notarize? Puwede po bang ipanotaryo na muna tapos saka na lang pipirma ‘yung ibang nakapangalan sa kontrata? Nasa ibang bansa pa po ang ibang nakalagay sa dokumento. —Amie

Dear Amie,

Nakasaad sa  2004 Rules on Notarial Practice na kailangang humarap sa notary public ang nakapirma sa dokumento. Ang layunin kasi ng pagpapanotaryo ay ang pagsumpa ng gumawa ng dokumento sa mga nilalaman nito sa harap ng notary public at ang paninigurado naman ng notary public na humarap sa kanya ang mismong nakapirma sa dokumento at kusang-loob silang pinirmahan ito.

Kaya hindi puwede ang sinasabi mong ipanonotaryo muna ang dokumento at pagkatapos ay saka na lang pipirma ang mga nakapangalan doon.

Kung iyon ngang mga nagnotaryo ng dokumento kahit na hindi humarap sa kanya ang mga pumirma nito ay naharap sa reklamo, mas lalo na pong malalagay sa alanganin ang mga magnonotaryo ng dokumentong kulang-kulang ang pirma.

Hindi rin mainam ang iyong balak dahil kahit pa tanggapin ng notaryo ang iyong dokumento ay magkakaroon pa rin ng kuwestiyon sa validity o bisa hindi lamang sa notarization ng dokumento, kundi pati na rin sa mismong nilalaman nito dahil sa kakulangan ng pirma.

Kaya mas mabuti kung magpanotaryo ka na lamang kapag kumpleto na ang pirma sa dokumento at handa na kayong lahat humarap sa abogado upang patunayan ang mga nilalaman nito.

DOKUMENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with