‘Singsing’ (part 5)
Tamang-tama na wala akong pasok sa opisina dahil Sabado. Dadalhin ko ang napulot na singsing sa may-ari na si Cora. Alam ko na ang bahay ni Cora na di kalayuan sa kanal na kinakitaan ko ng singsing. Sa tantiya ko, mga limang minutong lakarin mula sa inuupahan kong kuwarto ang bahay ni Cora.
Kumain ako ng almusal at naligo. Nagbihis. Inilagay ko sa maliit na plastic case ang singsing. May mga naitago akong plastic case at kasyang-kasya roon ang singsing.
Pasado alas otso ay umalis na ako. Siguro naman ay naroon na si Cora sa bahay niya.
Tama ang hula ko na limang minuto lamang lakarin ang bahay ni Cora mula sa tinitirahan ko.
Nakita ko agad ang bahay. Bunggalow. Blue ang gate. Maayos ang bahay na para bagong pintura.
Kumatok ako sa gate.
Maya-maya may lumabas na babae. Maganda. Maputi. Hanggang balikat ang buhok. Naka-t-shirt at jogging pants.
Lumapit sa gate.
“Ano po yun?”
“Si Miss Cora po ba nandiyan?”
“Ako po si Cora. Bakit po?”
“Mayroon po akong ibibigay.”
“Ano yun?”
Dinukot ko sa bulsa ang plastic case.
“Singsing po. Napulot ko sa kanal.”
Napamaang si Cora.
(Itutuloy)
- Latest




















