^

Punto Mo

Gen. Macapaz, hindi kumite sa missing sabungeros!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NI-SINGKONG duling ay walang kinita si ex-CIDG director Brig. Gen. Romeo Macapaz sa kaso ng mga missing sabungeros. Hindi rin nagpabaya sa trabaho si Macapaz at katunayan pinalakas n’ya ang kaso laban kay gambling lord Charlie “Atong” Ang (Tiu Hay Sy sa tunay na buhay). Kaya lang, nagkaroon ng kaguluhan o pagkalituhan dahil nagsinu­ngaling ang witness na si Julie “Dondon” Patidongan.

Idineklara kasi ni Patidongan na itong sina Elakim ­Patidongan at Jose Patidongan ay kanyang mga tauhan, at lumabas kinalaunan na kapatid n’ya pala. Itong si Elakim mga kosa ay nakitang nag-withdraw sa ATM card ng isa sa mga missing sabungeros na si Melbert John Santos sa Sta. Cruz, Laguna noong Enero 13, 2022, samantalang si Jose naman ay nahuli ng video na ini-eskortan ang isa pang nakaposas na biktima na si Michael Bautista noong Abril 28 sa bayan din ng Sta. Cruz.

Ang testimonya nina Elakim at Jose ang nagpalakas ng ibinulgar ni Dondon para sampahan ng kasong murder at serious illegal detention si Boss Atong sa DOJ. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Mabuti na lang at mabilis pa sa alas kuwatro na nagpaliwanag si PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo kaya’t nalinis ang pangalan ni Macapaz na dahil sa kalituhan ay nailipat ng puwesto sa PRO12.

Sa paglipat kasi n’ya ng assignment, kumalat ang Marites na kumita, ng hindi lang milyones kundi bilyones, si Macapaz dahil sa tangka ng mga nagpakilalang ahente ng CIDG na kasuhan si Dondon. Ngekkk! Fake news pala!

Imbes na imbestigahan muna ng maigi, abayyy naniwala sa Marites itong mga opisyales ng gobyerno at hayun…binuhusan ng sisi si Macapaz. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa pag-upo niya sa CIDG, mahigpit ang kautusan ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III kay Macapaz na tutukan ang kaso ng missing sabungeros. Bilang bihasang intel officer, tahimik na tinarabaho ni Macapaz itong sina Elakim at Jose hanggang makatanggap s’ya ng tip nitong June 23 na nagtatago ang mga ito sa Asean country.

Sa tulong ng Bureau of Immigration, gumawa ng operational case plan si Macapaz at naibalik sa bansa itong sina Elakin at Jose noong July 22. Kaya lang may problema! Itong si Jose ay convicted sa kasong robbery sa Mandaluyong RTC Branch 208 samantalang si Elakim ay nasakote naman na hawak ang passport na nasa pangalan ni Robert Baylon.

“Napakatahimik, walang ingay, hindi natin pinaputok sa media kasi nga gusto natin makuha itong dalawang ito dahil naniniwala tayo, ito ‘yong mga missing link doon sa mga kaso ng missing sabungeros,” ang paliwanag ni Fajardo. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Bilang legal strategy para manatili sa kulungan si Elakim at hindi masampahan ng illegal detention ang CIDG, kinasuhan s’ya sa paggamit ng illegal na passport. Si Jose naman ay nai-turnover sa korte kung saan siya ay humaharap ng kasong robbery. Itong testimonya nina Jose at Elakim ay malaking tulong para maisampa ni Justice Secretary Boying Remulla ang kaso laban kay Boss Atong nitong Biyernes. Mismooo!

Simula na kaya ito ng kalbaryo sa buhay ni Boss Atong? Kung naliagan ni Boss Atong ang kidlat dulot ng jueteng at mga hearing sa Kongreso vs e-sabong, dito sa missing sabungero eh mukhang swak sa banga siya? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Teka, teka, hindi pa tapos si Boss Boying. Baka isalang na din niya ang mga Alpha Group sa kaso para may kasama si Boss Atong sa pagdalamhati n’ya. Abangan!

SABUNGERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with