^

Punto Mo

‘Kandado’ (Part 15)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

INALIS namin ni Darwin ang alambre na nakatali sa seradura ng pinto ng kuwartong kinakukulungan ng mga babae. Nahirapan kaming alisin ang nakapulupot na alambre. May butas ang pinto sa dakong itaas kaya nagawang makasigaw ang mga babae para humingi ng tulong.

Nang maalis namin ni Darwin ang alambre na nakatali ay agad naming binuksan ang pinto. Napaiyak ang mga babae na nang bilangin ko ay lima. Kabataan pa sila at pawang maganda.

“Bakit kayo nakakulong dito?” tanong ko.

“Galing po kaming probinsiya, Kuya. Ni-recruit kami para magtrabaho rito sa Maynila pero dito kami dinala. Dito raw muna kami habang inaayos ang aming aplikasyon  sa trabaho.”

“Gaano na kayo katagal dito?” tanong ni Darwin.

“Eksaktong two weeks na kami Kuya.”

“Ano raw ang trabaho n’yong papasukan?”

“Sa pabrika raw Kuya.”

“E bakit kayo ikinulong?”

“Hindi nga namin alam Kuya.”

“Hindi kaya pagsasayawin kayo nang hubo’t hubad sa stage?” tanong ko.

“Hindi namin alam Kuya. Basta ang sabi may papasukan na kaming trabaho. Binigyan kami ng tig-P1,000.”

“Hindi n’yo ba alam na itong kinaroroonan ninyo ay isang club na nagpapalabas  nang malaswa—naghuhubad ang mga babae?”

Nagkatinginan ang mga babae.

“Nabiktima kayo ng illegal recruitment at balak kayong ihulog sa prostitution,’’ sabi ko.

Maya-maya, may narinig kaming ingay na papalapit.

(Itutuloy)

DARWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with