^

Punto Mo

Mga kakaibang katotohanan sa sikolohiya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang mga taong hindi kayang makahalata ng panunuya (sarcasm) at kasinungalingan ay maaaring dumaranas ng dementia, isang patuloy na paghina ng utak at abilidad na makaunawa ng mga bagay-bagay.

• Ang tsismis ay nagpapakilos ng mga kemikal sa utak na dahilan upang maging masaya ang isang tao at maaaring makatulong upang humaba ang buhay.

• Ang matagalang pagkalungkot ay may kaparehong masamang epekto gaya ng paninigarilyo ng 15 sigarilyo bawat araw na nagdudulot ng biglaang kamatayan.

• Ang mga taong mas madalas na nasa kalikasan ay nagpapakita ng mas mababang antas ng stress hormones at nakararanas ng mas malinaw na pag-iisip.

• Ang pagsulat ng iyong mga problema bago matulog ay makakatulong upang mabawasan ang pagkabalisa at mas mabilis makatulog.

• Ang pananahimik ay maaaring mas makapangyarihan kaysa makipagtalo. Sa maraming sitwasyon, ang hindi pagsasalita at pag-iwas na mag-react sa sitwasyon ang nagbibigay sa iyo ng dignidad.

• Tatratuhin ka ng mga tao batay sa paraan kung paano mo ipiniprisinta ang iyong sarili sa kanila. Kung kikilos kang may pagpapahalaga sa iyong sarili, paniniwalaan ng iba na ikaw nga ay mahalaga.

• Kapag ipinagsabi mo ang iyong mga plano sa ibang tao, bumababa ang posibilidad na matupad mo ito. Base sa pag-aaral, nakakababa raw kasi ito ng motivation.

• Minsan ginigising ka sa gabi ng iyong utak dahil humihinto ka na sa paghinga.

SIKOLOHIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with