^

Punto Mo

‘Kandado’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAKA ako sa ini-announce ng DJ ng bar na iniinuman namin ng kaibigan kong si Darwin na magsisimula na raw ang “happy hour”. Dati naman ay walang inia-announce ang DJ ng bar. Noon ay mag-aalas dose na ng hatinggabi.

“Maghuhubad na ang dancers nila, Virgil.”

“May hubaran na ba rito?” tanong ko.

“Meron na. Last month yata nagsimula.”

“Pero nang uminom tayo rito e wala pa ‘di ba?”

“E kasi maaga tayong umalis—alas nuwebe lang yata nang umalis tayo nung nakararaang punta natin.”

“Oo, maaga tayong umalis.”

“Added attraction daw.”

“‘Di ba bawal ang paghuhubad?”

“Bawal pagnahuli. Pero alam ko, may mga padrino ang bar kaya hindi ginagalaw ng authorities.”

“Naglalagay?”

“Sigurado ‘yun.”

“Paano kung biglang may nag-raid—biglang naghigpit?”

“’Yun ang mahirap.”

“Pati umiinom e huhulihin?”

“Ewan ko lang.”

Maya-maya, nakita namin ni Darwin na nagparada na sa stage ang mga magagandang babae na naka-panty lang—walang bra.

Halos wala kaming kurap ni Darwin sa pagkakatingin sa mga babaing rumarampa. First time kung makakakita ng ganun. Ewan ko lang si Darwin. (Itutuloy)

BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with