‘Kandado’ (Part 3)
HINDI makapaniwala ang kaibigan at classmate kong si Darwin sa pangungulekta ng mga lumang kandado. Kakaiba raw ang nakahiligan ko.
“Kailan ka pa nahilig mangulekta ng padlock, Virgil?’’ tanong ni Darwin. Nasa canteen kami ng uniberisidad at nagmemeryenda. Katatapos lamang ng aming exams.
“High school pa—mga limang taon na.”
“Marami ka nang nakolekta?”
“Mga beinte na.”
“Pawang luma?”
“Oo—kinakalawang na nga ang iba. Nililinis ko lang kaya parang bago na rin.”
“Ibang klase ka, Virgil. Bakit yun ang nakahiligan mong kolektahin?”
“Ewan ko. Basta nagsimula ang lahat nang makapulot akong kandado sa kalsada. Pauwi na ako mula sa school. Mula nun, nangulekta na ako.”
“Kahit anong klaseng kandado?”
“Oo—kahit maliit na kandado, kinukolekta ko.”
“Hayaan mo at kapag nakakita ako ng lumang kandado sa bahay ay ibibigay ko sa’yo.”
“Ay huwag! Gusto ko yung ako mismo ang makakapulot o makakakita—ayoko ng binibigay. Mas gusto ko pinaghirapan kong hanapin.”
“Ibang klase ka talaga, Virgil.”
“At gusto ko nga yung kandado na nakakabit pa sa pinto.”
Napamulagat si Darwin.
“Mas natsa-challenge akong kunin ang nakakabit sa pinto,” sabi ko pa. (Itutuloy)
- Latest















