‘Kandado’ (Part 2)
Pinayuhan ako nina Tatay at Nanay na mag-ingat sa pagkalas sa mga kandado at baka raw ako masugatan.
“Baka matetano ka, Virgil. Napansin ko na mga kalawangin na ang mga kandado na nakuha mo.”
“Oo nga Virgil. Baka sa kadadampot po ng mga kandado ay kung mapaano ka,” sabi naman ni Nanay.
“Hindi po. Nag-iingat naman ako sa pagkuha at pagkalas ng mga kandado. At saka kapag napansin ko na mahirap nang tanggalin ang kandado ay hindi ko na pinagpipilitan.”
“Sige basta mag-ingat ka na lamang nang todo para hindi ka masugatan,’’ sabi ni Tatay.
“Opo Tatay.”
Nagpatuloy ako sa nakahiligang pag-iipon ng mga lumang kandado. Nakadarama ako ng kasiyahan kapag nakakapulot sa kalsada ng kandado. Kahit maliit na kandado ay pinupulot ko.
Maski nang magkolehiyo ako ay taglay ko pa rin ang libangan na mag-ipon ng mga lumang kandado.
“Bakit hindi ka na lamang bumili ng mga kandado na gusto mo Virgil?” tanong ng classmate at kaibigan kong si Darwin.
“Mas gusto ko ang lumang kandado, Darwin.”
“Ibang klase ka Virgil.”
“Gusto ko rin ‘syung kandado na nakakabit pa sa pinto.”
(Itutuloy)
- Latest















