^

Punto Mo

‘Saging’ (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATANDA na si Itay pero matalas pa rin ang isip at nalalaman ang mga nangyayari sa paligid lalo ang may kinalaman sa kanyang taniman ng saging na pinamamahalaan ng kapatid kong si Nenet.

Nalalaman ni Itay ang aking mabilis na pag-asenso sa banana chips. Hindi man siya nagsasalita, alam kong natutuwa siya sa pagbabago ng aking buhay na umunlad dahil sa banana chips.

“Itay, nagpapasalamat ako sa’yo. Dahil sa saging, gumanda ang buhay ko. Dahil sa paggabay mo sa akin at pagpapaalala ay natuto ako.

“Salamat at inunawa mo ako noon at binigyan ng ­Kalayaan na makapamili kung saan  ako kabilang. At sa dakong huli, ang saging din pala ang magbibigay sa akin nang magandang buhay. Pero malaki ang naitulong na ako ay nabigo sapagkat natuto ako. Nagkaroon ako ng aral. Salamat Itay. Pangako ko na ang pinundar mong sa­gingan ay lalo ko pang pagyayamanin. Magkatulong kami ni Nenet na palawakin pa ang pinundar mo. Hinding-hindi ko pababayaan ang pinaghirapan mo ay mananatili hanggang sa mga susunod pa nating lahi.”
Napangiti si Itay sa aking mga sinabi. Hindi siya makapagsalita pero sa ekspresyon ng kanyang mukha, maligayang-maligaya siya.

Hinawakan ni Itay ang aking braso at marahang tinapik-tapik.

SAGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with