‘Kutsara’ (Part 4)
Malinis ang sahig at walang nga kutsarang bumagsak. Dinadaya kaya ako ng aking pandinig? O baka naman sobra ang nadarama kong antok dahil sa duty sa ospital. Pero talagang may mga bumagsak na kutsara.
Eksaktong lumabas ng kuwarto ang ka-boardmate kong si Luisa. Tinanong ko siya kung may narinig siyang mga nalaglag na kutsara sa sahig.
“Kutsara? Wala naman akong narinig, Nors,’’ sagot ni Luisa.
“Ngayun-ngayon lang Luisa. Pagbukas ko ng pinto, nagbagsakan ang mga kutsara. Parang may nagbagsak ba?”
“Wala naman akong narinig. Actually, kanina pa ako gising dahil nag-aaral ako para sa exams bukas.”
“Wala ka talagang narinig?”
“Wala talaga. Baka nagkaringgan ka lang. Baka antok na antok ka lang.”
“Baka nga Luisa. Kasi kanina pa ako naka-duty sa ospital.”
“Mabuti pa, matulog ka na.”
“Oo. Salamat Luisa.”
Nang nakahiga na ako, iniisip ko pa rin ang nangyari. Ano ang ibig sabihin ng mga bumagsak na kutsara?
KINABUKASAN, naulit na naman ang pangyayari. May nagbagsak din ng mga kutsara!
(Itutuloy)
- Latest
















