^

Punto Mo

‘Anting’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PARANG ayaw ko nang umakyat sa bundok!’’ sabi ko kina Larry at Totoy. Nasa paanan na kami ng Bundok Putol.

“Bakit Benjie?’’ tanong ni Larry.

“Ikaw itong nagyaya tapos ikaw ang magba-backout!” sabi ni Totoy.

“Parang kinakabahan ako.”

“Ngayon ka pa kakabahan e ilang taon na rin tayong nagha­hanap ng anting,’’ sabi ni Larry.

“Oo nga, Benjie. Ngayon ka pa ba susuko?’’

“Sige tuloy tayo!’’ sabi ko at tumayo mula sa pagkakasalampak sa lilim ng punong agopanga.

Umakyat na kami ng bundok. Hahanapin namin ang higanteng puno ng balete na pina­kapalatandaan kung saan matatagpuan ang anting na triyanggulo. Si Lolo Amboy ang nagsabi kung saan makikita ang anting na triyanggulo. Isa si Lolo Amboy sa nakakuha ng anting na hindi ko naman malaman kung kanino sa mga apo niya ipinasa.

Isang oras na kaming naglalakad pero hindi pa naming natatagpuan ang malaking puno ng balete.

“Hindi kaya pinutol na ang balete? Di ba uso ang kaingin? Baka isa sa pinutol at sinunog ang balete,” sabi ni Larry.

“Bawal daw magkaingin dito. Protektado raw ang lugar na ito ng DENR,’’ sabi ko.

“Ganun ba? Buti naman.”

“Bawal ding mag-iwan ng basura rito. May mga forest ranger na nagbabantay dito.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Patarik nang patarik ang nilalakaran namin. Halos lumawit na ang dila ko sa pagod.

“Magpahinga muna tayo,’’ sabi ko. “Baka matapakan ko ang aking dila dahil lalawit na sa pagod.”

Nagtawanan sina Larry at Totoy.

Naupo kami. Uminom kami ng baong tubig.

“Kailangan makita na natin ang punong balete. Hindi tayo bababa ng Bundok Putol na hindi nakikita ang balete,’’ sabi ko. (Itutuloy)

MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->