^

Punto Mo

Gen. Guzman ng MPD, sasabak agad sa trabaho!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

May baptism of fire kaagad ang bagong director ng Manila Police District na si Brig. Gen. Benigno “Boyet” Guzman. Hindi pa nakakaisang linggo sa puwesto si Guzman ay masasalang kaagad siya sa trabaho-ang seguridad ng prusisyon ng Itim na Nazareno sa Good Friday.

Pagkatapos ng kanyang turnover ceremony noong Biyernes, nagsagawa kaagad ng walkthrough si Guzman, kasama ang kanyang command group, at MPD officials upang ma-familiarize sa dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno, na halos katulad ng dinaanan ng nakaraang Traslacion.

Ayon kay Guzman, inilapit na ng MPD ang paglinis ng obstructions sa kalye, tulad ng mga vendors sa mga barangay sa ruta ng prusisyon. Ang MPD traffic division naman ay lilinisin ang kalye ng mga nakaparadang sasakyan after lunch sa Miyerkules. Mismooo!

Magkakaroon naman ng final coordinating conference ang MPD, at iba pang stakeholders tulad ng Simbahan, City Hall at mga ahensiya ng gobyerno para tugunan ang seguridad ng okasyon. Idinagdag pa ni Guzman na ilalabas ang imahe ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church between 11:00 p.m. to 12:00 midnight ng Maunday Thursday.

Initially, aabot sa 2,000 pulis ang ilalatag sa ruta ng prusisyon, kaya kuwidaw kayo mga kosa na magsimula ng gulo dahil t’yak sa karsel ang bagsak n’yo. Mismooooo! Mapapasabak kaagad si Guzman sa trabaho pero sa tingin ng mga kosa ko ipapasa naman niya ito with flying colors. Hehehe! Anong sey n’yo mga kosa?

Pormal na nag-assume si Guzman ng MPD post noong Biyernes at pinalitan niya ang ­kaklase n’ya sa PNPA Class ’96 na si Brig. Gen. Arnold Thomas ‘Tom” Ibay, na nalipat sa bagong tatag na Negros Island Region. Siyempre, kasama sa mga guest niya ang asawang kaklase rin at bagong promote na si Brig. Gen. Vina Guzman, na naka-assign naman sa PNP Academy.

Andun din sa okasyon ang iba pang classmates ni Guzman na sina QCPD director Brig. Gen. Bong Buslig Jr., at NPD director Brig. Gen. Josefino Ligan, at SPD director Brig. Gen. Joseph Arguelles, ng PNPA ’95. Siyempre, ang guest of honor ay si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na nangako ng todo suporta s’ya sa liderato ni Guzman. Teka, teka, andun din pala si NCRPO director Maj. Gen. Anthony Aberin, na pinangasiwaan ang turnover ceremony. Eh di wow!

Low-key lang si Guzman kaya’t walang masyadong palabok siyang binitiwan sa kanyang pag-assume ng command ng MPD. Wala ring marching orders, maliban sa tatlong pangunahing adhikain niyang “crime prevention, crime solution at community engagement”.

Kapag sinunod ng mga kapulisan ang kanyang mga alituntunin, sinisiguro ni Guzman na hindi sila maliligaw ng landas. Ayon kay Guzman, palalakasin niya ang police visibility, na tested and proven ng tool sa crime prevention saang panig man ng Pinas.

Hindi uubra kay Guzman ang pormulang photo-ops lang sa kalsada dahil mahusay rin kumilatis ang bagong hepe ng MPD patungkol sa “kalidad” na serbisyo publiko. Bago naging MPD director, si Guzman ay Senior Executive Assistant ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Sanamagan!

Kilala si Guzman bilang maayos na opisyal at hinulma ang kasanayan sa outstanding leadership in action, professionalism at integridad sa paglilingkod bayan. ‘Ika nga, solido ang determinasyon at malasakit sa pamumuno.

Matapos ang prusisyon ng Itim na Nazareno, masasabak na muli si Guzman sa May midterm elections. Trabaho na naman? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

GOOD FRIDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with