^

Punto Mo

EDITORYAL - Balewala ang MSRP sa bigas

Pang-masa
EDITORYAL - Balewala ang MSRP sa bigas

MARAMING rice vendors ang hindi sumusunod sa maximum suggested retail price (MSRP) na itinakda ng Department of Agriculture (DA). Kaya mahal na bigas pa rin ang mga nasa palengke na nagkakahalaga ng P48 hanggang P50 per kilo. Kung nasunod ang MSRP, dapat P45 per kilo ang imported na bigas. Ayon naman sa vendors, mataas ang kuha nila ng bigas sa suppliers kaya mataas din nila itong ibebenta. Wala raw silang kikitain kung ibababa.

Ang MSRP sa bigas ay ipinatupad noong Marso 31. Itinakda rin ang MSRP sa karneng baboy na P350 bawat kilo. Ayon kay Agriculture Secretary Tiu-Laurel­ Jr., nakipag-usap na siya nang masinsinan sa stakeholders at nagkaroon sila ng kasunduan ukol sa MSRP. Nakadidismaya na hindi ito nasusunod. Balewala ang kautusan ng Agriculture chief.

Ayon sa report, 60 percent ng mga palengke sa Metro Manila ang hindi sumusunod sa MSRP. Ilan sa mga ito ay ang Pritil at Trabajo Market sa Maynila; Cartimar Market sa Pasay, Muñoz Market sa Quezon City at Pasay City Market. Nananatiling P48-P50 per kilo ng bigas at ang karneng baboy ay P470 sa halip na P350.

Kung ganitong hindi sinusunod si Tiu-Laurel ng rice stakeholders na nangako sa kanya, paano pa ang iba pang produkto na gaya ng bawang na balak ding lagyan ng MSRP. Wala palang aasahan ang mamamayan na makakabili ng murang bigas at karne. Kawawa ang mga kakarampot ang kinikita na bigas lamang ay hindi makabili dahil mataas ang presyo.

Nang ibaba ni President Ferdinand Marcos Jr. ang taripa para sa imported na bigas, inasahang bababa ang presyo ng bigas. Pero sa halip na bumaba, lalong tumaas ang presyo. Dumagsa ang imported pero ganundin ang presyo. Umasa rin noon ang mga mahihirap sa pangako ni Marcos Jr. na ibababa sa P20 per kilo ng bigas. Pero ang pangako ay naging bangungot na lang at hindi dapat asahan.

Malinaw na stakeholders ang dapat kumprontahin ni Tiu-Laurel kung bakit mataas pa rin ang presyo ng bigas. Panagutin ang mga ito sa paglabag sa kasunduan. Isa ring dapat gawin ng DA Secretary ay ipatigil muna ang importasyon ng bigas ngayong panahon ng anihan. Hayaang ang sariling ani naman ang maghari sa pamilihan upang hindi maging kawawa ang mga lokal na magsasaka na lagi na lang nasasagasaan ng sobrang importasyon ng bigas. Isulong ng DA na ma­parami ang sariling ani at hindi umasa sa imported na bigas.

BIGAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->