^

Punto Mo

Windang na ang President Digong Party

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PATUNAY na si dating Presidente Digong Duterte lamang ang nag-iisang masel ng PDP na maari nilang sandalan sa maiinit na usaping pangbarubalan sa pulitika.

Unti-unti na ring nakakaramdan ng panghihina ang kampo ng PDP. Nawala ang angas ng kamao na puwedeng maningil ng naipautang na loob sa mga nagtamasa ng proteksiyon at grasya noong makapangyarihan pa si Tatay Digong.

Tama ba Michael Yang and company?

Malaking danyos sa makinarya ng PDP ang nawindang na mga maiingay na social media vloggers at troll farms dahil sa nasoplang fake news makers sa Kongreso na umamin sa kanilang kasinungalingan. Made in China pala?

Hindi talaga kakayanin ni Robin Padilla ang maging campaign manager ng PDP dahil sa kakulangan nito sa kaalaman ng makabuluhang kampanya. Kinakabahan rin siyempre maging mga political financiers. Umiskiyerda na rin ang Michael Yang and Company, di ba?

Naging solo pamato ng PDP ang kuyom na kamao ni Digong na nabawasan ng puwersa sa pagkakakulong nito sa The Hauge, Netherlands. Parang larong tumbang preso, na-balagoong si PDP campaign manager Robin. O di ba?

Malaking dagok sa oposisyon ang government resources na minamaneho ng DSWD at DILG. Nasa control nito ang lahat na uri ng ayuda at control sa local government units hanggang sa pusod ng barangay.

Ginamit din ng President Digong Party ‘yan noong 2019 midyear election kaya nasiyut sa inidoro ang Otso Diretso, he-he-he!

Nasargo ng gobyerno ni Bongbong ang POGO na isa sa mga bukal na maaring paghugutan ng pondo ng PDP. Nagkaripasan sa pagtatago ang mga scammer/operator.

Pati si Harry Roque ay naghain na rin ng application for assylum. May kaso na bang nakasampa o diskarteng kalbo lang talaga?

Nakikisakay na lamang ang mga kandidatong senador ng PDP sa mga political sorties ng kapartido nilang mga governor, congressman at mayor sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Nakupo!

PULITIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->