Health tips
Ang pagkain ng 1 hanggang 2 pirasong pipino araw-araw ay nakakatulong para mabilis ang pagbabawas ng timbang; pinipigilan ang paglugon ng buhok; nagpapakintab ng buhok at nagpapakinis ng balat.
Ang pagkain ng oatmeal araw-araw ay nagdudulot ng protina sa ating muscle; mayaman ito sa antioxidants; nakakababa ng bad cholesterol; at nagpapababa ng panganib na magkasakit sa puso.
Ang matagal na paggamit ng headphone ay nagdudulot ng permanenteng nakakabingi at wala itong lunas. Kaya hindi lang ang malakas na volume ang nakakasira ng pandinig kundi ang regular at matagal na paggamit ng headphone.
Walong habits na nakasisira ng utak: 1) Laging nasa dilim; 2) Laging puyat; 3) Sobrang pakikinig ng masasamang balita; 4) Madalas na nakaupo at nakahiga /tamad mag-exercise; 5) Mas madalas na nakaharap sa TV, computer, smartphone; 6) Walang kaibigan; 7) Madalas na gumagamit ng headphone; at 8) Mahilig sa matatamis.
Kapag ang isang tao ay kulang sa exercise, ang tendency ay mabilis siyang magalit. Para maiwasan ito, sabay paluin ng palad ang dalawang hita sa loob ng tatlong minuto araw-araw.
Ang malaking tiyan at sobrang panonood ng porn ay nakakaliit ng utak at nakakahina ng mental capability o nakakabobo.
- Latest