Life hacks
l Mga asong maliit, matanda na at manipis ang balahibo ang dapat suotan ng sweater kung taglamig.
l Mataas ang tsansa na matandaan ang lecture na isinulat mo kung sa araw din na iyon ay babasahin mo ulit ito bago ka magpahinga.
l Mas mainam na gamitin ang blue ink sa pagsusulat ng notes. Mas mabilis matandaan ang nakasulat sa blue ink kaysa black ink.
l Best time para mag-aral or mag-review ay 4 am to 6 am.
l Obserbahan mo kung paano tratuhin ng iyong boyfriend or girlfriend ang kanyang immediate family. Kapag naging mag-asawa kayo, asahan mong ganoon din ang gagawin niya sa iyo.
l Kung gusto mong maging original, ihanda mo ang iyong kalooban na kopyahin ka.
l Ang pinakamalupit na paghihiganti ay ipakita sa kanya na lalong naging mabuti ang iyong buhay simula nang nawala siya sa iyong buhay.
l Kung tutuusin, dalawang malapit na kaibigan lang ang kailangan natin sa buhay. Nakaka-stress din at lalong nakaka-depress ang maraming kaibigan.
l Gaano man kapangit ang mukha ng isang tao, may makikita ka pa rin maganda sa kanya, kahit isa. Maaaring ito ay kanyang ngipin, kutis, buhok, kuko, etc. Purihin mo ito. Hindi mo alam, magdudulot ito sa kanya nang walang kapantay na kasiyahan at karagdagang tiwala sa sarili.
- Latest