Buhay ni Atty. Sia, nawindang dahil sa biro!
INULAN ng batikos si Pasig City congressional candidate Atty. Ian Sia matapos mag-viral ang kanyang pagbibiro sa isang kampanya na puwedeng sumiping sa kanya ang mga solo parent ng isang beses bawa’t taon.
Kung anu-anong panawagan na ang isinusulong ng mga grupo, tulad ng Gabriela na i-disbar s’ya. May dumulog din sa Comelec at naghain ng reklamong i-disqualify s’ya. ‘Yan lahat mga kosa ay dahil lang sa isang biro at na-gang up na si Sia. Sanamagan!
Sa show cause order ng Comelec, ipinaliwanag ni Sia na hindi discriminatory ang biro n’ya kundi kasama ito sa kanyang freedom of speech.
“My campaign event are my way of conversing with my constituents. While the word may sound brash, my speech, in its entirety, falls within my freedom of speech,” ani Sia. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya naman nagulo ang buhay ni Sia ay dahil ang unang bumatikos sa kanya ay si incumbent Pasig City councilor Angelu de Leon. Naglabas ng spliced video si De Leon sa campaign meeting ni Sia at sinabing “bawal ang bastos sa Pasig”. Araguyyyyy!
Sinakyan naman ito ng mga left-leaning groups at netizens at inulan ng batikos si Sia, na kalaban ng kampo ni Pasig Mayor Vico Sotto at De Leon sa pulitika. Sanamagan!
Halatadong kalaban sa pulitika ang source ng video dahil hindi ipinakita ang karugtong na portion na sinabi ni Sia na “joke lang po, may asawa na ako,” at nagsitawanan pa ang mga audience.
Sa ngayon, tahimik lang ang kampo nina Sotto at de Leon, dahil sa tingin nila tagumpay ang black propaganda nila laban kay Sia. Dipugaaa! Anong sey mo kosang Cesar Barquilla? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Kung bawal pala ang bastos sa Pasig, eh bakit hindi tingnan nina Sotto at De Leon ang kanilang sariling bakuran upang malaman din ng taumbayan, partikular na ng mga Pasigueño, na lima pala sa katiket nila ay numero unong bastos at mapagsamantala sa kahinaan ng mga kababaihan.
Ang tinutukoy ng mga kosa ko, maliban kay Boss Cesar, ang nag-viral sex video din kamakailan ng isang sitting councilor at dalawang aspiring councilor. Hindi ito sex joke mga kosa ha! Eh di wow!
Teka, teka, tiyak nakarating ito sa kampo nina Sotto at De Leon at bakit hindi sila kumilos para linisin ang tiket nila ng mga bastos? Ang sakit sa bangs nito!
Ganito kasi ang kuwento ng sex video kosang Andie Naus. May isa pa kasing sitting councilor na “tumira” sa isang prosti at pagkatapos ay ikinuwento ang sexperience niya sa mga kasamahan na manyakis din kaya’t sinubukan. Ang sistema pala ng prosti ay mag-deposit muna at ang balanse ay pagkatapos makaraos ang kliyente niya.
Heto ang masaklap kosang Andie. Matapos makaraos ang mga damuhong manyakis ay binlock nila ang prosti para hindi na sila makontak dahil ayaw nila magbayad ng balanse. Kaya lang may catch!
Lingid sa kaalaman ng mga damuhong konsehal, ni-record pala ni prosti ang buong session nila at sa sobrang galit ay inilabas nito ang nasabing mga video. Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Totoo kaya na may isang miyembro pa ng tiket ni Sotto na inanakan ang isang single mom, at matapos manalo noong 2022 elections ay tinalikuran na ang pangako na suporta sa bata? Hayyy nakuuu! Bahala na ang taga-Pasig maghusga sa mga manyakis sa tiket ni Sotto sa darating na Mayo. Mismooo! Abangan!
- Latest