^

Punto Mo

Mayang (187)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SABI ni Encar, lalo raw akong napamahal sa kanya dahil sa mga ginagawa kong pagsisilbi sa kanya. Hindi raw talaga siya nagkamali sa pagpili sa akin. Napakasuwerte raw niya. Kahit daw hindi niya ako mabigyan ng anak ay hindi ako nagbabago sa ipinakikitang pag-ibig sa kanya.

“Sabi ko naman, huwag siyang magsalita nang ganun. Hindi naman niya tiyak na siya ang may deperensiya. Malay niya, baka ako ang may depe­rensiya. Pero sabi ni Encar, malakas ang kutob niya—siya ang may deperensiya. Nararamdaman umano niya na mahina ang kanyang punla.’’

“Sabi ko naman, magpatingin kami sa doktor. Pero tumanggi siya. Mas mahirap daw tanggapin ang katotohanan kapag narinig ang sinabi ng doktor.

“Pero ang sabi ko kay Encar, kahit pa siya ang may deperensiya gaya ng pakiramdam niya, walang pagbabago sa pagmamahal ko sa kanya—siya ang nag-iisang babae sa buhay ko. Kahit wala kaming supling, walang mababago sa pag-ibig at pagmamahal ko sa kanya. Hanggang wakas siya ang tanging babae na aking mamahalin.

“Niyakap at hinalikan ako ni Encar. Damang-dama ko na mahal na mahal din niya ako.

“Nang lubusang gumaling ang paa ni Encar, siya na ang gumawa ng mga trabaho na inako ko. Sabi pa niyang nagbibiro, siya naman daw ang mag-aararo at magtatanim ng palay. Lahat daw ng gawain ko sa bukid ay siya ang gagawa para makapahinga naman daw ako.

“Para tumigil na siya sa pagsasalita, bigla ko siyang hinalikan sa labi. Siniil ko. Mabango ang hininga ni Encar. Walang pagbabago sa bango ng babaing minahal ko nang labis. Wala siyang katulad at kapantay.”

(Itutuloy)

KARANASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->