‘Walis’ (Part 7)
“NARIRINIG ko ang pag-iyak mo Divina habang hinahampas ka ng walis ng tiyahin mo. Noon pa kita gustong kausapin para matulungan pero pinag-aralan ko munang mabuti ang lahat. Isa pa gusto kong makuha ang panig mo. Gusto mo bang makaalis na sa poder ng tiyahin mo para hindi ka na pagmalupitan?’’ tanong ni Ate Lydia na kapitbahay namin. Matandang dalaga si Ate Lydia na sa pagkaalam ko ay nagtatrabaho sa banko.
“Opo Ate Lydia pero natatakot ako kay Tiya Clems.”
“Huwag mong pairalin sa isip ang takot. Kailan ka kikilos kapag puro latay na ang katawan mo sa hampas ng walis?”
Hindi ako makasagot at nanatiling nakatingin lang kay Ate Lydia.
“Walis ba lagi ang inihahampas sa iyo, Divina?’’
“Opo Ate.’’
“Lagi kong naririnig ang tunog ng hampas at ako man ay nasasaktan sa ginagawa niya.’’
“Hindi ko naman po sinasadya ang mga nagawa ko pero hindi po ako pinakikinggan.’’
“Sige ganito ang gagawin natin. Ihanda mo ang iyong mga gamit. Ilagay mo sa isang bag. Bukas ng gabi mga alas dose, pumunta ka sa kanto. Maghihintayo ako roon. Saka ko na sasabihin ang pupuntahan natin.”
“Opo Ate.”
“Mag-ingat ka lamang na walang makakakita.”
(Itutuloy)
- Latest