^

Punto Mo

Lalaki na ang talent ay pag-utot, nakatanggap ng Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PORMAL nang kinilala ng Guinness World Records si Paul Oldfield, mas kilala sa stage name na Mr. Methane, bilang may hawak ng “Longest career as a flatulist” matapos ang halos apat na dekada ng propesyonal na pagtatanghal gamit ang kontroladong pag-utot.

Nagsimula ang karera ni Oldfield noong 1990 habang nagtatrabaho bilang train driver.

Sa kalaunan ay iniwan niya ang kanyang trabaho sa British Rail upang pasukin ang entertainment industry bilang isang flatulist, isang bihirang uri ng performer na gumagamit ng rectal control upang lumikha ng tunog at musika mula sa pag-utot.

Isa siya sa iilang guma­gawa nito sa modernong panahon, bagama’t may mga naitalang flatulist performers sa kasaysayan mula pa noong 12th century sa Europe at Japan.

Sa tatlong dekada ng kanyang karera, lumabas si Oldfield sa iba’t ibang palabas sa telebisyon, comedy tours, at mga radio program sa UK at ibang bansa.

Kabilang sa kanyang mga naging proyekto ay ang kanyang performance sa Britain’s Got Talent, mga TV commercial at paglabas sa Japanese TV laban sa kilalang burper na si Paul Hunn.

Sa kasalukuyan, aktibo pa rin siyang nagtuturo at nagpapasaya sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel at mga live performance sa comedy clubs.

FART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with