^

Punto Mo

Tips para guminhawa ang pakiramdam

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag dinadalahit ng ubo, uminom ng katas ng sariwang pinya.

• Kapag nababalisa, tampalin ng bahagya ang iyong noo.

• Kung biglang nahilo na parang umiikot ang paligid: Umupo agad, pumikit at hilutin ang likod ng taynga gamit ang hinlalaki or magkasabay na hintuturo at panggitna. Umpisahan ang masahe sa puno ng tenga (katapat ng butas kung saan isinasabit ang hikaw). Ihagod paitaas ang daliri hanggang sa ibabaw ng tenga kung saan mararamdaman mo ang sakit dahil natatamaan mo ang nerves na magpapahinto ng iyong pagkahilo. Ulitin ang paghilot sa likod ng taynga hanggang sa mawala ang hilo. Pagsabayin mo ang paghilot sa iyong dalawang tenga. Pansamantala lamang ito habang wala kang available na gamot or hindi pa nakakapagkunsulta sa doktor.

• Kung nahihirapang matulog, pumikit ka at bumilang nang paurong mula 100 hanggang sa 1.

• Kung gustong matanggal ang nerbiyos at kumalma ang kalooban, mag-hum ka ng paborito mong kanta.

• Kapag sinisinok, unti-unting kumain ng asukal.

• Mababawasan ang sakit na nadarama pagkatapos ng operasyon kung makikinig ka ng paboritong music.

• Umubo kapag tinuturukan ka upang mabawasan ang sakit nito.

• Kapag nabangga ang siko sa matigas na bagay or napabangga ang iyong hinliliit sa paa sa kanto ng matigas na kahoy, ito ay magdudulot sa iyo ng napakasakit na pakiramdam. Upang maibsan ang sakit, magmura ka hangga’t gusto mo para maiwasang mapaiyak sa sobrang sakit.

PAKIRAMDAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->