Gen. Torre, tinuldukan ang fake news!
Hindi ang Tricomm hearing ng Kongreso ang kasagutan para matuldukan ang pagpakalat ng mga bloggers at content creators ng mga fake news. Imbes, ang kasagutan ay si CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III. Bakit?
Nag-file kasi si Torre ng cyber libel laban sa blogger na si Ernesto Abines Jr., o mas kilala sa social media na si Jun Abines. Armado ng cyber warrant na inisyu ni Judge Soliver Peras, ng Cebu City RTC, ni raid ng mga tauhan ni Torre noong Sabado ang bahay ni Abines sa 115-B Visitacion St., Sambag ll, Cebu City.
Nakumpiska ang isang Redmi cell phone, Samsung cell phone at laptop, na ayon kay Torre ay may laman na incriminating evidence laban kay Abines. Tsk tsk tsk!
Si Abines ay isang blogger na tagasuporta ni impeached VP Inday Sara subalit iginiit ni Torre na walang pulitika sa kanilang hakbangin. Eh di wow!
“Batas, batas lang tayo,” ani Torre. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Bilang background mga kosa, ikinalat ni Abines sa social media noong Enero na si Torre ay naka-confine sa ospital at kritikal ang kondisyon. Ang balita, ayon kay Torre, “caused undue worry and alarm to my family and friends.”
Sa kanyang social media post, nagbabala naman si Torre na, “actions have consequences”! “Ipinakalat mo na naospital ako. Nagdulot ito ng pag-alala at pagkabalisa sa aking pamilya at mga kaibigan,” ani Torre. “Ano ang naging aksiyon ko? Sumandig ako sa batas. Naniniwala ako na mali man ang ginawa mo ay may karapatan kang humarap sa korte at mabigyan ng due process,” ang sabi pa ni Torre. Dipugaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon kay Torre nag-apply siya ng search warrant para makuha ang mga phone at computer na ginamit ni Abines. Matapos pirmahan ni Judge Peras ang warrant to search, seize, and examine computer data, kasama ang taga-Anti-Cybercrime Group, sinalakay ng CIDG operatives ang bahay ni Abines na matiwasay namang nag-cooperate.
Saksi sa raid ang isang Kiana Charlyn Abines at Bgy. Kagawad Michael Malalay. Ang forensic examiner ng ACG ang nagsagawa ng onsite digital forensic xxamination sa mga nakumpiskang gadgets. Sanamagan!
“Ngayon iiyak-iyak ka sa social media? Actions have consequences Sir. At yung pangtarantado mo, ang consequence ngayon sa ‘yo ay ang pagkuha ng abogado,”
Mismooo! “Reminder: Bagong Pilipinas na po. Wala na pong patayan pero kung salbahe ka, makukulong ka pa rin!,” ang pagtatapos ni Torre. Ang sakit sa bangs nito!
Ang panawagan naman ni Abines sa kanyang mga ka-group chats at mga kaibigan ay i-delete ang kanilang mga mensahe “to protect our personal conversation from prying eyes with malicious motives.” “When PNP/CIDG invaded my home and confiscated my cell phone, they tried to down load and prove my cell phone for 3 hours on site. I believe what they did was illegal for tampering on my cell phone which is an “evidence” that’s supposed to be preserved,” ani Abines, at idinagdag pa na, “I have nothing to hide from the law.” “But assume CIDG and PNP is spying on this account. I advise personal message and jokes should not be sent to me. Because Diwata is now making PNP his personal army to oppress Pilipino,” aniya. Sanamagan!
Si Abines ay isa sa 37 bloggers, content creators at social media influencers na dumulog sa Supreme Court para pigilan ang Tricomm na isalang sila sa hearing para tuldukan ang fake news. Subalit mas epektib itong sistema ni Torre. Abangan!
- Latest