^

Punto Mo

Tinangay na baby Jesus sa isang Belen, ibinalik ng magnanakaw na may kasamang liham paumanhin!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kakaibang kuwento ng Pasko ang bumalot sa Fort Collins, Colorado, matapos maibalik ang ninakaw na Baby Jesus mula sa isang belen na naka-display sa Old Town Square. Ang insidente, na naganap noong Martes, ay nagdulot ng pansamantalang pagkabahala sa komunidad.

Agad na naglabas ng anunsiyo ang Fort Collins Police Department sa social media, kasama ang isang malabong larawan ng lalaking umano’y kumuha ng rebulto. Tinawag nila ang suspek na “Grinch” at hinikayat ang publiko na tumulong sa pagkilala rito.

Makalipas ang apat na araw, natagpuan ang rebulto sa Poudre Fire Authority Station #1. Iniwan ito ng salarin, kalakip ang isang liham. Nagsasaad ito ng: “Pasensiya na talaga. Nagsimula ito bilang isang maling desisyon sa sandaling iyon. Hindi na mauulit.”

Bagama’t nananatiling misteryo kung sino ang magnanakaw, hindi na rin nagsampa ng reklamo ang mga negosyong nagmamay-ari ng belen. Sa halip, pinuri nang marami ang ginawang paghingi ng tawad at pagbabalik kay Baby Jesus.

Nagbigay ng tuwa at pag-asa ang insidente sa mga tao ng Fort Collins. Sa social media, maraming netizens ang natuwa sa nangyari. “Nakakatuwang isipin na bumalik pa rin si Baby Jesus at isinauli siya sa isang fire station,” anang isang komento. “Ito ang diwa ng Pasko—pagkilala sa mali at pagwawasto nito,” dagdag pa ng iba.

Ang kuwento ng ninakaw na Baby Jesus na ibinalik ng may sala ay nagsilbing paalala na ang Pasko ay panahon ng kapatawaran, pagkakaisa, at pag-asa sa pagbabago.

 

JESUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with