Airbag para sa tuhod, inilunsad ng isang startup company sa London!
INILUNSAD ng startup na Hippos ang kauna-unahang AI-powered knee airbag na naglalayong maiwasan ang mga pinsala sa tuhod ng mga atleta gaya ng ACL at MCL injuries.
Ang teknolohiyang ito, na nasa anyo ng isang high-tech na “knee sleeve,” ay gumagamit ng sensors upang mabilis na matukoy ang banta ng pinsala at mag-inflate sa loob lamang ng 30 milliseconds.
Ayon kay Kylin Shaw, co-founder ng Hippos, ang kanyang personal na karanasan sa malubhang pinsala sa tuhod ang nagtulak sa kanya na lumikha ng solusyong ito, na maaaring magligtas sa mga atleta mula sa malaking gastusin at matagal na recovery period.
Nakatanggap na ang startup ng $642,000 funding mula sa mga investors at may mga matagumpay na trial kasama ang mga atleta at football clubs sa U.K.
Gayunpaman, nakatanggap ng kritisismo ang kanilang business model, kung saan ang device ay ibebenta sa halagang $129 ngunit may kasamang buwanang subscription fee na aabot sa $29 hanggang $99.
Inaasahan ang opisyal na paglulunsad nito sa Marso 2025.
- Latest