‘Bangka’ (Part 4)
TAKANG-TAKA ako sapagkat hindi ko na makita ang matanda. Napakabilis namang maglakad! Baka naman hindi ko nakita na may sumundo sa kanya at naging mabilis ang paglalakad.
Nang umuwi ako ay kinumusta ni Tatay kung ano ang nangyari sa maghapon kong pamamangka.
“Okey naman Tatay. Nakakapagod lang magsagwan. Ang sakit ng katawan ko.’’
“Ganyan talaga sa simula. Kapag nasanay ka, balewala na yan.’’
“Siguro nga po.’’
“Hayaan mo at kapag gumaling na ako e mapapahinga ka rin at ang pagpasok mo sa kolehiyo ang aatupagin mo. Gagaling na ako sa nararamdaman ko.’’
“Magpahinga ka nang todo Tatay. Kahit naman sa second sem ako mag-enroll.’’
“Hindi. Kailangang makapasok ka ngayong unang semester. Gagaling na ako.’’
“Sige po.’’
“Siyanga pala, sinunod mo ba ang utos ko na kung walang pambayad ang sasakay sa bangka, huwag mo nang pipilitin?’’
“Opo, Tatay. Mayroon ngang sumakay sa aking matandang babae kanina na hindi ko na pinagbayad. Kawawa naman.’’
“Anong pangalan?”
“Hindi ko kilala. Nakabaro at saya siya na kulay itim.’’
Napamulagat si Tatay sa sinabi ko. (Itutuloy)
- Latest