^

Punto Mo

Marcos-Remulla ­agenda: Negosasyon o ­rebolusyonaryo?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KUMPLIKADO ang kalagayan ng bansa natin sa girian nang malalaking bansa dahil sa West Philippine Sea na dating kilala noon bilang South China Sea. Dito dumadaan at naglalayag ang mga komersiyanteng barko na naghahatid ng mga iba’t ibang produkto patungo sa silangang bahagi ng Asya.

Naipanalo natin sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang karapatan sa pag-aari ng WPS noong Hulyo 12, 2016. Halos kasabay sa pag-upo ni Digong Duterte bilang bagong Presidente ng Pilipinas. Wa hapen?

Naninindigan ang China na kanila ang malaking bahagi ng West Philippine Sea kung kaya nararapat na ang regulasyon at alituntunin sa paglalayag at pangingisda ay may kapahintulutan nila. Walang angal si Digong!

Solidong paninindigan ang kailangang maitaguyod natin upang maging basehan na hindi natin isusuko ang katiting man nating lupain at karagatan sa aagaw nito sa atin. Ito kaya ang binubuo ng Marcos-Remulla teamworks?

Sumibol na parang kabute ang malalaking mga POGO hub sa buong Pilipinas na pinuhunanan ng mga sindikatong Intsik na nangulimbat ng pera sa ibang bansa at ipinamili ng mga lupain sa bansa. Sa tulong ng mga abogadong taksil sa katutubong Pilipino.

Hinihintay na lamang ni DOJ Sec. Crispin Remulla ang Committee report ng Kongreso sa imbestigasyon sa illegal activities ng mga POGO operators upang tuluyan nang wakasan ang pagmamalabis ng mga ito sa bansa.

Magiging matibay na kapanalig ni PBBM sina PAGCOR Board Member Gilbert Remulla at DILG Jonvic Remulla sa utos nitong pagpapasarado ng lahat ng POGO activities sa bansa bago matapos ang 2024.

Mistulang nabuhay ang espiritu ng pagkakaisa nina Ilocos warrior hero Diego Silang at Cavite Revolutionary General Emilio Aguinaldo. Nagbabantay lang si Gen. Gregorio Araneta sa Negros Occidental. Tama ba Liza Araneta Marcos?

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with