^

Punto Mo

Bertud ni Digong dumausdos sa sobrang kadaldalan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Nabuksan at nagkaroon ng maluwag na dibisyon ang sana’y maghaharing puwersa ng pinag-isang puwersa ng Southern at Northern Philippines sa binuong puwersa ng mga Marcos at Duterte (UniTeam) noong 2022.

Dahil sa kadaldalan! Pinairal ng Duterte camp ang pagiging dominante sa pag-aakalang sila ang pinagmulan ng lakas ng UniTeam. Naging bulyawero at manduduro ang inasal. Ngiti lang si Imee!

Maliwanag na ang angking katusuhan ng mga pulitikong kasanib sa UniTeam ang pinagugatan nang lahat at malamang na may kinalaman ang mga dirty foreign investors sa nangyari. May POGO power pa kaya?

Kailangan nila ang Kongreso dahil dito pinaplantsa ang lahat ng batas na pagkakaperahan. Tinangka nila itong makopo sa pamamagitan ni Gloria Arroyo. Hindi sila tumagos kay “tambaloslos”. Sopla!

Halos lahat nang bumuo ng UniTeam ay mga dati nang grupo ng inaamag na pulitiko. Wala namang maliwanag na plataporma de gobyerno kundi puro kapritso.

Nandun sa Senado na ang misyon ay maging payaso. Bilyones na insertion budget ang inaasinta para gumawa ng pera.

Hintayin natin si Lacson!

Sa pagkakagutay ng UniTeam ay ang paglakas naman ng puwersa ng Liberal Party “pinklawans”. Patunay dito ang panghihimod ng magkabilang grupo nina PBBM at VP Sara sa kampo ni Leni.

Kapag naghari ang katangahan, malamang na sa uni[1]doro ulit sila matagpuan. Magpapauto ba naman?

Mahirap talunin ang mga masasalaping pulitiko dahil kaya nilang magbayad ng milyones sa magagaling na propagandista na ang trabaho ay baliktarin ang mga negati[1]bong isyung ipinupukol sa kanila

Ang diumano’y paglambot ng puso ni Leni sa administrasyon ni PBBM ay sampal na umaatikabo sa una na nang inilalarawan ng mga propagandista ni VP Sara. ‘Yan ang sampol sa madungis na pulitika.

Ang mga lumalabas na resulta ng iba’t ibang surveys na nagpapakita ng unti-unting pagpasok sa Magic 12 ng mga datihang “siyut sa unidoro team” ay senyales na nabiyak na ang UniTeam power. Ingat lang ng konti at ‘wag mag kumpiyansa. May POGO pa rin na pagkukunan nila.

Malamang na inihahanda na ng mga paring Katoliko ang bagsik ng pulpito kay Sen. Bato dela Rosa at sa mga kasama nito dahil sa pang-iinsulto nito kay SVD priest Flavie Villanueva sa ginawang pagdinig sa isyu ng EJK sa Senado.

Sige daldal pa more!

UNITEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with